Bakit nga ba inaabuso ang ating kalikasan at kapaligiran, kung ito ang nagbibigay ng hangin para tayo ay makahinga, nagbibigay ng tubig na ating iniinom at panulak ng pagkain sa ating mga lalamunan.
Bakit kaya ang hirap para sa Pinoy ang maging disiplinado pagdating sa pag-aalaga ng kapaligiran? Hindi man lang tayo nababagabag sa duming nakikita sa paligid. Mga basura, nagkalat kung saan. Mga puno, basta na lng puputulin ng walang itatanim na kapalit. Ang ating mundo ay gumuguho na at nawawasak na sapagkat wala tayong ginagawa para ito ay mailigtas. Mga plastik na tinatapon na lang kahit saan-saan. Mga usok na nagmumula sa mga sasakyan, mga nagsusunog ng basura lahat nang ito’y nakakasama sa Inang kalikasan.
Kalikasan title=Paggalugad Sa Chocolate Hills Ng Bohol Sa Pilipinas style=width:100%;text-align:center; onerror=this.onerror=null;this.src='https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcSw0FRuPyXxFy8UMQ_Ry3iThUxnMEPPnEpCbH2vetzAmsDlQzWpo5T5rv1Om-VnQcmxcCk&usqp=CAU'; />
Ang mundong ito ay ibinigay sa atin ng Poong Maykapal ito ang isa sa mga napakagandang regalo na naibigay Niya sa mga anak Niya. Ngunit taksil ang mga anak, sinira, binaboy nila ang regalong ito. Ang mundo ay nagsilbing tirahan nila, dito sila humihinga dito sila nangnguha ng makakain nila, at dito sila nabubuhay. Ang mundong pinaggagalawan natin ay unti unting naasisira sa mga kamay ng mga tao.
Maghanda Para Sa Malakas Na Pag Ulan At Bagyo
Ayon sa isang artikel na pinamagatang Earth is Amazing, 27, 000 na kahoy ang napuputol bawat araw para lamang sa tisyu ati’y lamang binabasura. Ang isang babasaging botelya ay inaabot nk 4, 000 na taon para lamang ito’y matunaw.
Ayon sa quora.com sa kunting pagpitas ng dahon Mayana ay katumbas ng 5 mililiters na malinis na hangin. Hindi lang yan kundi ang mga hayopdito sa mundong ito ay importante din. Sila din ay inaabuso sa pamamagitan ng pagbenta ng kanilang balahibo o kaliskis para gawing palamuti sa ating katawan. Ati’y sinusuot mga balahibo at kaliskis na dapat ay sakanila lamang.
Ayon sa artikel na pinamagatang 11 facts about Animal Cruelty ng DoSomething.org , mahigit 50 porsyento na balahibo sa US ay nagmumula sa China, kung saan milyon na mga aso at pusa na namamatay sa pamamagitan ng pagtanggal ng balahibo ng hayop na buhay. Mahigit 115 milyon na daga, aso, pusa, kuneho, unggoy, ibon at mga iba pa ang namamatay sa mga eksperimento sa mga laboratoryo ng buong mundo para sa mga kemikal, pagkain, at mga palamuti na tinetest sa bawat taon
Tagalog Main Prospectus Sept 09.pub
Isang bidyo ang aking gustong ipakita sa inyo na nagpapatunay na talaga namang umiiyak na ang Inang Kalikasan sapagkat inaabuso, sinisira na natin siya. Hindi lang iyon kundi marami pa tayong ginagawa na hindi naman dapat ginagawa. Ang ating mga tubig, saan na nga nagmumula, ang ating kinabubuhay, saan nga ba nanggagaling. Sana ay ating isipin na sa simpleng pagtapon ng basura sa tamang lalagyan ay nakakatulong din, sa simpleng paglalakad imbes na sumakay ng trisikel ay nakakatulong din. Gawin nating mapayapa ang mundo at iwasan ang pagwasak nito. Ating iligtas ang ating pinaghihingaan kumilos ka kapatid. ( Nature is Speaking https://youtu.be/WmVLcj-XKnM)Ang mga Tsokolateng Burol (Ingles: Chocolate Hills), ay isang anyong lupa sa Bohol, Pilipinas. Ang mga burol ang nakakalat sa kabuuang lupa na 50 square kilometers (20 sq mi). Nababalot ng mga luntiang damo ang burol at nagiging kulay tsokolate kapag tag-araw, kaya naging Tsokolateng Burol ang pangalan nito.
Sikat na atraksiyon ang mga Tsokolateng Burol sa Bohol. Tampok ang mga ito sa panlalawigang watawat at sagisag ng lalawigan ng Bohol na sumasagisag nang mayamang likas na yaman ng lalawigan. Tinatayang 1, 268 ang pulutong mga burol na mas kilala sa tawag na Chocolate hills. Nakakalat pinakamaraming burol sa bayan ng Carmen, Butuan at Sagbayan. Ilan din ang makikita sa bayan ng Bilar, Sierra Bollones at Valencia.
Ang pinakamataas na burol ay tinatayang may taas na 120 meters sa bayan ng Carmen kung saan nakatayo ang Chocolate Hills Complex. Sa taas ng burol na ito, makikita at pwedeng bilangin mula sa tuktok ang iba pang burol.
Ip Summit 2017 Proceedings By Assisi Development Foundation
Ang mga burol ng Chocolate hills ay gawa sa limestone taliwas sa alamat na may dalawang higante na nagbatuhan ng putik kaya nabuo ang pulutong ng mga burol.
Considered sometimes as the “Eight Wonder of the World”, the Chocolate Hills has been declared as the country’s 3rd National Geological Monument by the National Committee on Geological Sciences on June 18, 1988 in recognition of its special characteristics, scientific importance, uniqueness, and high scenic value; and as such is among the country’s protected areas
Sana’y patuloy natin pangalagaan ang ating likas na yaman dahil ito ang ating responsibilidad bilang tao, ang magparami at protektahan ang kalikasan. Kaya tara na’t tumulong sa pagaksyong ito. Mag impake na tayo at pumunta sa BOHOL!
K To 12 Grade 2 Learning Material In Araling Panlipunan
Book cheap flight at Mabuhay Travel and travel to a destination of your choice. We are the leading Filipino Travel Agent in the UK.
Ako ay palakaibigan at masipag na tao, marunong makisama sa kapwa . mahilig akong mag basa at mag sulat. Gusto kong makapamasyal sa iba’t ibang lugar ng Pilipinas, para mas maibahagi ko sa inyo ang aking karanasan sa paglalakabay.
Newer post Come And Join Me Lets Discover Panacalan Island Sandbar 23/10/2019 Older post Halinat Lumangoy Kasama Ang Mga Pawikan Sa Apo Island 21/10/2019
Ap Cg (3)
Best places to visit in Iloilo on Your Holiday Best Beaches in Cebu to Fill Your Bucket List Best places to visit in Cebu (aside from beaches) Worthy things to do in Davao on your holiday! Island Hopping in the Philippines: A Must-Do for Every Travelle ‘Di ba’t kay tamis balikan ang alaala ng ating kahapon? Mga ala-alang tunay na kasalungat ng mayroon tayo ngayon? Oo, kay sarap lumingon sa mga panahong dalisay pa ang hanging naglalakabay, noong ang mga puno sa kabundukan ay hindi pa patay, yaong mga oras na malusog pa ang lupa sa mga sakahan at malinis pa ang tubig na dumadaloy sa ilog at karagatan. Marami sa atin ang napapangiti ‘pag ating naaalala ang angking kariktan ng Inang kalikasan. Ngunit alam niyo bang maaari itong hindi lamang maging isang gunita? Sa ating malawak na suporta’t pagkilos, kaya nating ibalik ang nakaraan at gawin itong makatotohanan para sa kasalukuyan.
Tunay kalikasan ang isa sa pinakamakabuluhang nilikha ng Diyos na may angking alindog at yaman na ating napakikinabangan bilang mga tao. Bilang kapalit nito, tayo sana ang maaaring mangalaga at magpanatili sa kagandahang ito. Subalit ‘di maitatanggi na sa halip na pag-alaga ang ating maipunla, kapabayaan ang naipapakita. At sa kapabayaang ito, nabubuo ang iba’t-ibang suliraning pangkalikasan na tayo rin naman ang naaapektuhan. Hindi natin lubos malalaman kung hanggang saan kayang tiisin ng Inang kalikasan ang dagok na kanyang nararanasan. Tama, hindi natin alam kung kalian ang hangganan ng kalikasang unti-unti nang nawawasak.
Kasabay ng pagpasok ng ika-dalawampung siglo ang pagsisimula ng pagkasira ng ating mga likas na yaman. Sa pag-usad ng panahon, dumarami ang mga imbensyong naisasagawa dahil na rin sa mabilis na pag-unlad ng teknolohiya dulot ng siyensya’t kaalaman na mula sa iba’t-ibang panig ng mundo. Ang mga ito’y inaasahan ng bawat isa sa atin na maging katuwang ng lahat upang lumago ang ekonomiya ng bansa at mas maging kapakipakinabang ang bawat mamamayan. Ngunit sa kabilang banda, marami sa mga imbensyong ito ang karumal-dumal at sumisira sa kalikasan. Sa mas maliit na perspektibo, ang bansang Pilipinas na itinuturing na Perlas ng Silanganan ay ‘di na gaya nang dati na may angking gabundok na likas na yaman. Marami sa mga ito ang tuluyan nang naglaho dahil sa bagsik ng mga tao at mga bagay na gawa rin ng tao. Maraming magagandang tanawin ang pilit na winawasak para lamang tayuan ng mga gusaling pangkomersiyal na dapat sana ay pinipreserba para sa susunod na mga henerasyon. May mga batas na ring naipasa upang pangalagaan daw ang kalikasan ngunit ni isa rito’y ‘di maayos na naipapatupad. Ang dating luntiang Pilipinas ay unti-unti nang nawawalan ng kulay at nabubulok.
Pagpapahalaga Sa Tanawin At Kalikasan: January 2016
Sabi nila, ang lahat ng ito’y bahagi raw ng pagiging moderno ng panahon at nararapat lamang na makisabay ang ating bansa. Ngunit dapat ba inilalagay natin sa alanganin ang ating kalikasan? Isa itong malaking kamangmangan. Maaari naman tayong umunlad nang hindi nasisira ang ating kapaligiran. At tanong naming sa inyo aming mga kababayan, ALAM NIYO BA KUNG PAANO?
MAKIALAM. Sino ng aba ang unang naaapektuhan ng pagkasira ng ating kalikasan? Mga kababayan, TAYO PO. Sa sitwasyong ito, dapat tayong MAKIALAM! Alamin natin ang mga nangyayari sa ating kapaligiran lalo na ang mga suliraning ating dinaranas. Gumawa tayo ng unang hakbang tungo sa iisang layunin: ANG MAS LUNTIANG PILIPINAS. Maraming paraan kung gusto lamang natin. Halimbawa rito ay sundin ang 4Rs na siyang pangunahing adbokasiya ng maraming organisasyong lumalaban upang protektahan ang kalikasan. REDUCE. Ating dalangan o kung magagawa ay iwasan ang paggamit ng mga bagay na nakasisira sa kalikasan gaya ng plastiks, etc. REUSE. Kapag ang mga bagay na meron tayo ay mapapakinabangan pa, maaari nating gamitin ito muli upang hindi tayo tapon nang tapon at mas maiwasan ang pagdami ng basura na siyang pangunahing dahilan ng polusyon. RECYCLE. Maging maparaan tayo. Ang mga bagay na patapon na ngunit ‘di nabubulok ay maaari pang gamitin upang gumawa ng panibagong gamit na mapapakinabangan pa. At panghuli, REFUSE. Huwag tayong,
Komentar