Paano malalaman kung buntis sa pamamagitan ng pulso? Narito ang sagot ng isang duktor tungkol dito. Pati na ang kaniyang payo sa kung paano nga makakasigurado na siya nga ay nagdadalang-tao.
Para sa mga matatanda, isa sa sinasabing palatandaan ng pagdadalang-tao sa mga babae’y ang mabilis na pulso. Nariyan na kapag nakita na nila ang mabilis na pulso sa gitna ng leeg ay masasabi na nila na buntis ang isang babae. Para sa OB-Gyne na si Dr. Kristen Cruz-Canlas, may bahagyang katotohanan ito. Dahil kapag buntis ang isang babae’y mas nagpa-pump ng mas maraming dugo ang kaniyang katawan para sa nagde-develop na sanggol.
Kalusugan title=Ilang Araw Bago Gumamit Ng Pregnancy Test? style=width:100%;text-align:center; onerror=this.onerror=null;this.src='https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcRnssyhkYDWeZALKR9fW3bCJpJkCLIrX5ss5u7fAotJKHYfwiFxMofdO8OCKMsx8nd4AiE&usqp=CAU'; />
Paliwanag niya, habang nagbubuntis ang isang babae mas dumarami ang blood volume nito ng 30-50%. Sinasabayan ito ng pagtaas ng cardiac output at pagbilis ng heartbeat ng 10-20 beats per minute o 25% na mas mabilis kumpara sa normal. Pero paglilinaw ni Dr. Canlas, ang pagbabago sa pulso ay hindi reliable na paraan para masabing buntis ang isang babae. Dahil ang mabilis na pulso, hindi sa lahat ng oras ay kaakibat na agad ng pagbubuntis. Maaaring ito’y epekto ng pag-iehersisyo o kaya nama’y dahil sa isang sakit na umaapekto sa daloy ng ating dugo.
Ika 38 Linggo Ng Pagbubuntis: Lahat Ng Dapat Mong Malaman
Dagdag pa niya, hindi rin basta-basta dapat i-assume na ang babae’y buntis dahil sa pagbabago na nararanasan niya sa kaniyang katawan. Kahit na ang positive test result na lumalabas sa mga pregnancy test kit na maaari nating isagawa sa bahay. Dahil paliwanag ni Dr. Canlas may 3 classifications ang mga signs at symptoms ng pagdadalang-tao.
“Mayroong signs and classifications ng pregnancy. Mayroon tayong presumptive signs, probable signs at positive signs. Ang mga presumptive signs, ito ‘yung feel mo lang na buntis ka pero hindi talaga. Puwede siyang ibang reason. Ang probable ito ‘yung puwedeng nakikita ng ibang tao tulad ng malaki ang tiyan at nagbabagong itsura ng balat. Positive pregnancy test probable sign lang ‘yun. Kasi hindi lahat ng pregnancy test kit ay reliable. Malaki ang chance pero hindi pa rin sigurado.”
“Tatlo lang ang sure way na malaman kung buntis ang isang babae. Ito ay ang present of heart tones ng baby. Na-feel o narinig mo talaga na may heart tone. Second is sonologic findings o ultrasound na may baby sa tiyan. At pangatlo, na-feel mo ‘yung fetal movement.”
Hypertension O Altapresyon: Mga Sanhi, Sintomas, At Gamot
Ito ang pahayag pa ni Dr. Canlas. Kaya payo niya para makasigurado, magpa-konsulta agad sa doktor. Lalo na kung mararamdaman ang mga sumusunod na early o presumptive signs ng pagbubuntis.
Isa sa mga unang palatandaan ng pagdadalang-tao ay ang fatigue o labis na pagkapagod. Epekto ito ng tumataas ng hormone levels at sa dobleng pag-function ng katawan upang ma-suportahan ang nag-dedevelop na sanggol.
Ayon sa licensed midwife mula sa Los Angeles na si Jocelyn Brown, madalas itong mararamdaman sa loob ng ika-6 na linggo ng pagdadalang-tao. Sinasabayan din ito ng labis na pagiging antukin, pagkahilo at pagduduwal.
Ilang Araw Bago Malaman Na Buntis Ang Isang Babae? Alamin Dito
Buntis ba ako?: Masakit na boobs maaaring senyales ng pagbubuntis Paano malalaman kung buntis sa unang linggo? Ito ang mga sintomas 4 na bagay na dapat gawin para sa healthy na pagbubuntis 2. Nausea.
Ang pagkahilo na sasabayan ng pakiramdam na pagduduwal na mas kilala sa tawag na nausea, ito ang unang palatandaan ng pagdadalang-tao. Kilala rin ito sa tawag na morning sickness na nagpapahirap sa isang buntis sa unang trimester ng pagdadalang-tao.
Dulot ito nang tumataas na level ng hCG hormones at progesterone sa katawan ng buntis. Ang pagtaas ng level ng mga hormones na ito’y nagpapabagal ng bowel movement ng buntis na nauuwi sa constipation at acid reflux.
Ano Ang Mararanasan Mo Kung Ikaw Ay Buntis?
Ang implantation cramping o bleeding ay madalas na nararanasan sa unang mga araw hanggang sa 2 linggo matapos ang implantation. Ito ang mga araw bago malaman ng isang babae na siya’y nagdadalang-tao.
Ayon sa California-based OB-Gyne na si Dr. Kerry Price, nangyayari ito dahil sa pagbabago ng level ng progesterone sa katawan. Kung ang lumalabas na dugo sa babaeng buntis ay kulay brown at walang kaakibat na sakit, ito’y normal. Subalit kung ang dugo ay bright red o mapulang-mapula na may kaakibat na sakit, mzaaring na itong palatandaan na ng miscarriage. Sa oras na makaranas nito ang isang babaeng nagdadalang-tao ay dapat agad na siyang magpunta at magpa-konsulta sa duktor.
Ang maya-mayang pag-ihi ng isang buntis ay dulot din ng pagtaas ng hormonal levels sa kaniyang katawan. Ang pagtaas ng hormonal levels na ito’y nagdadala ng mas maraming dugo sa kaniyang kidney na ang resulta, mas napupuno ang bladder ng mas mabilis. Epekto nito ang maya-mayang pag-ihi. Kayo laging pinapayo ng mga doktor sa mga buntis, ugaliing uminom ng maraming tubig para manatiling hydrated.
Senyales Ng Fertile Na Babae: Kailan Puwedeng Mabuntis?
Dulot din nang pagbabago sa hormonal levels ng katawan ang nararanasang mood swings ng mga buntis. Ito’y normal. Maliban na lamang sa labis na depression o suicidal thoughts na kailangang agad ma-address ng isang doktor.
Ang paninigas at pananakit ng suso ay isa ring palatandaan sa pagdadalang-tao. Madalas itong nagsisimula sa ika-4 hanggang ika-6 na linggo ng pagbubuntis. Para maibsan kahit papaano ang sakit na dulot nito, mainam na iwasan munang mag-suot ng mga underwire bra.
Maliban sa mga nabanggit na pagbabago sa katawan, may mga babae ring nakakaranas ng sensitivity sa pang-amoy sa simula ng pagbubuntis. Mayroon ring may biglang inaayawang pagkain. Mayroon din namang may hinahanap-hanap na pagkain. Ang stage na ito sa pagbubuntis ay tinatawag na paglilihi.
Ito Ang Mga Tanda Ng Pagbubuntis Sa Iyong 4th Week
Muli, ang pagtingin sa pulso ng isang babae ay hindi reliable na paraan para masabing siya ay nagdadalang-tao. Mabuting magpa-konsulta sa duktor upang makasigurado. Para maibigay rin agad ang pangangalagang kailangan ng buntis at kaniyang sanggol.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!Ilang araw bago malaman na buntis ang isang babae? Pagkatapos makipagtalik, ilang araw bago malaman na buntis ka? 1 week delayed buntis na ba? Malamang ito ang mga katanungang bumubuo sa isipan mo kung ngayong nag-aalala ka kung nagdadalang tao ka nga ba.
Sexually active ba kayo ng partner mo at naghahangad na makabuo? Malamang ay excited na kayong malaman kung may i-e-expect ba kayong baby matapos ang siyam na buwan.
Maternity Pay Questions (filipino)
Marahil ay gusto mo na agad bumili ng pregnancy test (PT) kit para malaman agad kung nagbunga ba ang inyong pagmamahalan. May ilang mga bagay na kailan tandaan bago ka mag-take ng pregnancy test at aalamin natin iyan sa artikulong ito.
Ang missed period ang unang palatandaan na maaaring buntis ang isang babae. Kaya nga sa araw na ine-expect mo sanang magkakaregla ka na at hindi dumating, mapapatanong ka ng: “Buntis na nga ba ako?” Ang sagot dito? Maaaring mayroong laman na nga ang tiyan na baby pero maaari ring wala namang nabuo.
Para naman sa may irregular menstruation, ilang araw bago malaman na buntis ka? May kahirapan itong tukuyin. Para sigurado, may isang paraan lang para masagot ang agam-agam nating ito.
Paano Gamitin Ang Pregnancy Test?
Ito’y sa pamamagitan ng pregnancy test kitna common nang ginagawa ng mga nacucurious kung buntis nga ba sila. Mayroong two way na maaaring gawin ng babaeng nais malaman kung siya ay buntis.
Maaring sa pamamagitan ng pagkuha ng sample sa dugo o ang blood test. Ito ay madalas na ginagawa sa mga clinic o ospital. Isa sa paraan din naman ay sa pamamagitan ng urine test.Ito naman ay ginagawa gamit ang over-the-counter pregnancy test na puwedeng gawin kahit pa nasa bahay lang at mag-isa ka.
Kaya naman mahalagang malaman kung kailan o ilang araw bago malaman na nagdadalang-tao ang isang babae. Dahil ito rin ang araw na kung kailan dapat magsagawa ng pregnancy test upang makumpirma ang pagbubuntis.
Mga Kailangang Malaman Tungkol Sa Pagbubuntis
Ilang araw bago malaman na buntis ang babae pagkatapos makipagtalik? Ayon sa experts, kinakilangan daw na maghintay ng 21 days mula nang huling makipagtalik nang walang proteksyon. Dito na kadalasang ginagamit ang home o OTC pregnancy test
Ang home o OTC pregnancy test ay isang uri ng test na tumutukoy sa pagbubuntis sa pamamagitan ng pag-dedetect ng hormone. Tinatawag itong human chorionic gonadotropin o HCG sa ihi.
Ang hormone na ito ay nagiging present lamang sa katawan ng babae sa tuwing may fertilized egg na naka-attached sa uterus o uterine lining ng babae. Ito ang palatandaan na nagsisimula na ang pagdadalang-tao.
Ultrasound: Lahat Ng Dapat Mong Malaman
Isinagawa ang OTC pregnancy test, una sa pamamagitan ng pagkolekta ng ihi ng babae. Mas magandang ginagawa ito sa umaga pag-gising para sa mas accurate na resulta. May iba-ibang paraan naman kung paano mate-test ang nakolektang ihi.
Maaring ito ay sa pamamagitan ng pagpatak ng ihi gamit ang dropper sa isang special container na kung saan masusuri ito. O kaya naman ay sa pamamagitan ng paglubog sa ihi ng isang testing stick na magtutukoy na kung positibo ba o negatibo ang pagdadalang-tao.
Dito sa Pilipinas ang madalas na pregnancy test kit na ginagamit ay ang ipinapakita kung positibo ba ang pagbubuntis sa tulong ng linya. Kung negatibo (hindi buntis) ay may isang linya ang lalabas sa pregnancy test. Positibo namang nagdadalang-tao kung dalawang linya ang lalabas sa test.
Ligtas Ba Ang Herbal Medicine At Mga Dietary Supplement Para Sa Mga Pasyenteng May Kanser?
Pero may mga pagkakataon na maaring magkaroon na false positive o false negative na reading ang mga pregnancy test. At maiiwasang mangyari ito kung gagawin ang test sa tamang panahon o stage ng pagbubuntis.
May mga pagkakataon din na hindi klaro ang pangalawang linya. Dito nagkakaroon ng pagkalito kung positive ba o negative ang
Komentar