Ilang araw bago malaman na buntis ang isang babae? Pagkatapos makipagtalik, ilang araw bago malaman na buntis ka? 1 week delayed buntis na ba? Malamang ito ang mga katanungang bumubuo sa isipan mo kung ngayong nag-aalala ka kung nagdadalang tao ka nga ba.
Sexually active ba kayo ng partner mo at naghahangad na makabuo? Malamang ay excited na kayong malaman kung may i-e-expect ba kayong baby matapos ang siyam na buwan.
Malalaman Kung Buntis Gabay Sa Pag Aalaga title= style=width:100%;text-align:center; onerror=this.onerror=null;this.src='https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcRgVLYm0lbdO3qYdg9LwFofhFloEIp51jd1myPNw-r1eOsDkFqtBjrxW5r8cR-2PES2sg8&usqp=CAU'; />
Marahil ay gusto mo na agad bumili ng pregnancy test (PT) kit para malaman agad kung nagbunga ba ang inyong pagmamahalan. May ilang mga bagay na kailan tandaan bago ka mag-take ng pregnancy test at aalamin natin iyan sa artikulong ito.
Bunternity ᐅ Sintomas Ng Menstruation Na Dapat Malaman
Ang missed period ang unang palatandaan na maaaring buntis ang isang babae. Kaya nga sa araw na ine-expect mo sanang magkakaregla ka na at hindi dumating, mapapatanong ka ng: “Buntis na nga ba ako?” Ang sagot dito? Maaaring mayroong laman na nga ang tiyan na baby pero maaari ring wala namang nabuo.
Para naman sa may irregular menstruation, ilang araw bago malaman na buntis ka? May kahirapan itong tukuyin. Para sigurado, may isang paraan lang para masagot ang agam-agam nating ito.
Ito’y sa pamamagitan ng pregnancy test kitna common nang ginagawa ng mga nacucurious kung buntis nga ba sila. Mayroong two way na maaaring gawin ng babaeng nais malaman kung siya ay buntis.
Buntisko ᐅ Paano Malalaman Kung Buntis Ang Isang Babae?
Maaring sa pamamagitan ng pagkuha ng sample sa dugo o ang blood test. Ito ay madalas na ginagawa sa mga clinic o ospital. Isa sa paraan din naman ay sa pamamagitan ng urine test.Ito naman ay ginagawa gamit ang over-the-counter pregnancy test na puwedeng gawin kahit pa nasa bahay lang at mag-isa ka.
Kaya naman mahalagang malaman kung kailan o ilang araw bago malaman na nagdadalang-tao ang isang babae. Dahil ito rin ang araw na kung kailan dapat magsagawa ng pregnancy test upang makumpirma ang pagbubuntis.
Ilang araw bago malaman na buntis ang babae pagkatapos makipagtalik? Ayon sa experts, kinakilangan daw na maghintay ng 21 days mula nang huling makipagtalik nang walang proteksyon. Dito na kadalasang ginagamit ang home o OTC pregnancy test
Paano Malalaman Kung Buntis Kapag Irregular Ang Period Ng Babae?
Ang home o OTC pregnancy test ay isang uri ng test na tumutukoy sa pagbubuntis sa pamamagitan ng pag-dedetect ng hormone. Tinatawag itong human chorionic gonadotropin o HCG sa ihi.
Ang hormone na ito ay nagiging present lamang sa katawan ng babae sa tuwing may fertilized egg na naka-attached sa uterus o uterine lining ng babae. Ito ang palatandaan na nagsisimula na ang pagdadalang-tao.
Isinagawa ang OTC pregnancy test, una sa pamamagitan ng pagkolekta ng ihi ng babae. Mas magandang ginagawa ito sa umaga pag-gising para sa mas accurate na resulta. May iba-ibang paraan naman kung paano mate-test ang nakolektang ihi.
Paano Malalaman Kung Buntis Sa Unang Linggo? 9 Sintomas Nito
Maaring ito ay sa pamamagitan ng pagpatak ng ihi gamit ang dropper sa isang special container na kung saan masusuri ito. O kaya naman ay sa pamamagitan ng paglubog sa ihi ng isang testing stick na magtutukoy na kung positibo ba o negatibo ang pagdadalang-tao.
Dito sa Pilipinas ang madalas na pregnancy test kit na ginagamit ay ang ipinapakita kung positibo ba ang pagbubuntis sa tulong ng linya. Kung negatibo (hindi buntis) ay may isang linya ang lalabas sa pregnancy test. Positibo namang nagdadalang-tao kung dalawang linya ang lalabas sa test.
Pero may mga pagkakataon na maaring magkaroon na false positive o false negative na reading ang mga pregnancy test. At maiiwasang mangyari ito kung gagawin ang test sa tamang panahon o stage ng pagbubuntis.
Buntisko ᐅ Ano Ang Teenage Pregnancy: Mga Dapat Mong Malaman Tungkol Sa Maagang Pagbubuntis
May mga pagkakataon din na hindi klaro ang pangalawang linya. Dito nagkakaroon ng pagkalito kung positive ba o negative ang resulta. Kadalasang inaabisuhan na subukang mag-PT muli matapos ang 3-7 araw. Maaari kasing hindi pa ganoon kataas ang HCG para ma-detect ito nang mabuti.
Kung sa susunod na PT ay malabo pa rin ang pangalawang linya, mabutihing magpa-konsulta na agad sa iyong OB-GYN. Karaniwan na magre-request ang duktor ng blood test para malaman kung may kumplikasyon ba ang pagbubuntis.
Ayon sa UK National Health Services, ang pagte-take ng pregnancy test ay dapat isinasagawa sa unang araw ng missed period ng isang babae.
Ilang Days Bago Malaman Kung Buntis
Kung hindi naman alam o nalimutan kung kailan dapat ang simula ng kaniyang regla ay maari niya ring gawin ang test 21 days matapos siyang magkaroon ng unprotected sex. Ito ang panahon na kung saan detectable na ang levels ng HCG sa kaniyang katawan.
Pahayag ng mga eksperto, puwede ring gawin ang pregnancy test sa kahit anong oras. Pero para sa mas accurate na resulta ay ipinapayong gawin ito sa umaga pagkagising. Dahil rito pa concentrated ang iyong ihi at mas mataas ang level ng hCG kung nagbubuntis ka.
Samantala, maliban sa missed period, may iba pang sintomas na maaring maramdaman ang isang babae na nagpapahiwatig na buntis siya. Ang mga ito ay ang sumusunod.
Ilang Araw Bago Malaman Na Buntis Ang Isang Babae? Alamin Dito
Para masuportahan ang lumalaking sanggol sa sinapupunan ay nagkakaroon ng malaking pagbabago sa katawan ng isang babae. Partikular na sa mga hormones na mayroon ang kaniyang katawan tulad ng estrogen at progesterone na mas tumataas ang level kapag siya ay buntis.
Ang mga hormones na ito ang nagdudulot ng pagbabago sa kaniyang katawan. Tulad na lang sa kaniyang suso na naninigas at tila mas lumalaki kapag nagdadalang-tao.
Ito ay dahil sa dagdag na flow ng kaniyang dugo na dahilan rin kung bakit nagiging sensitive ang kaniyang nipples at utong. At kung bakit tila nangingitim ang balat na nakapaligid dito na tinatawag na areola.
Mga Patnubay Sa Covid 19
Tulad ng paparating na regla, ang pagbubuntis ay maaari ring magdulot ng pananakit ng puson ng isang babae. Ito ay tinatawag na implantation cramps na dulot ng nag-aattach na fertilized egg sa lining ng uterus ng buntis.
Maari ring makaranas ng light spotting o bleeding ang isang babaeng nasa early stage palang ng pagbubuntis. Ito ay tinatawag na implantation spotting na madalas na nararanasan 10-14 days matapos magsimula ang pagbubuntis. Nangyayari ito dahil pa rin sa nag-attach na fertilized egg sa lining ng uterus ng buntis.
Ito ay madalas na mapagkakamalang mahinang regla o light period. Maaring kulay pink, red o brown ito na mapapansin sa tuwing magpupunas ng ari ang isang babae. Mararanasan ito ng hanggang sa 3 araw na maaaring sabayan ng pananakit ng puson.
Ano Ang Bawal Sa Buntis
Kapag nagbubuntis ang isang babae ay nadagdagan o mas bumibilis ang daloy ng kaniyang dugo upang matutustusan ang pangangailangan ng nagde-develop na sanggol sa kaniyang sinapupunan.
Ito ang dahilan kung bakit mas nagiging mainit ang kaniyang katawan. Mas nagiging mainit pa nga ito sa tuwing siya ay nag-iexercise o nasa mainit na lugar. Kaya naman ipinapayong ang babaeng buntis ay magdahan-dahan sa pag-iexercise at uminom ng maraming tubig.
Ang pakiramdam ng sobrang pagkapagod ay isa rin sa pangunang sintomas ng pagbubuntis. Ito ay dahil tumataas ang level ng hormone na progesterone sa katawan ng babae na dahilan kung bakit siya rin ay nagiging antukin.
Gabay Sa Pagbababuyan
Sa stage na ito ng pagbubuntis, ipinapayong matulog ng sapat ang isang babaeng buntis na mahalaga rin sa development ng kaniyang sanggol.
Ang morning sickness ang isa rin sa unang palatandaan ng pagdadalang-tao. Nag-dedevelop ito sa ika-4 hanggang 6 na linggo ng pagbubuntis at maaring maranasan kahit anumang oras.
Isa sa sinasabing dahilan kung bakit nararanasan ng isang buntis ang morning sickness, nausea at pagduruwal ay dahil pa rin sa hormone changes sa kaniyang katawan.
Paano Malalaman Kung Buntis Sa Pamamagitan Ng Pulso: Sagot Ni Dok
Ang sintomas na ito ng pagbubuntis ay dulot parin ng hormonal changes sa kaniyang katawan. Mas magiging reactive o emotional ang isang babae dahil dito. Mas mabilis rin siyang makaramdam ng irritability, depression, anxiety at ganoon rin ang labis na kasiyahan.
Ang maya-mayang pag-ihi ay isa sa epekto ng mabilis na daloy ng dugo sa katawan ng isang buntis. Dahil sa mabilis na daloy na dugo ay nag-proprocess ng mas maraming fluid ang kaniyang kidney.
Kaya naman mas mabilis na mapuno ang kaniyang bladder at maya-maya siyang umiihi. Dahil dito ay ipinapayong uminom ng mas maraming tubig ang buntis upang maiwasan siyang ma-dehydrate.
Bakit Nakakaranas Ng Mga Sintomas Ng Pagbubuntis Pero Negatibo Ang Resulta Ng Pregnancy Test
Maari ring makaramdam ng bloating o constipation ang isang babaeng nagdadalang-tao. Ito ay dulot parin ng hormone changes sa kaniyang katawan na nagpapabagal sa paggalaw ng kaniyang digestive system.
Dahil parin sa hormones na ipino-produce ng pagbubuntis ay mas bumibilis ang tibok ng puso ng isang babaeng nagdadalang-tao. Mas bumibilis pa nga ito kapag nasa ika-8 o 10 ng linggo na ng pagbubuntis.
Mataas rin ang tiyansa na makaranas ng high blood o pagkahilo ang isang babaeng nagdadalang-tao. Sinasabing maaring mag-develop ito bago pa man ang pagbubuntis o kaya naman ay sa oras na magdalang-tao na ang isang babae. Ang itinuturong dahilan kung bakit ito nag-dedevelop sa pagbubuntis ay dahil sa dagdag na timbang ng babaeng nagdadalang-tao o ang kakulangan niya sa ysical activity.
Como Saber Se Estou Grávida
Ang pagiging sensitive sa pang-amoy ay isa sa madalas na nararanasan ng mga babae sa simula ng pagbubuntis. Ito rin ang sinasabing dahilan kung bakit nakakaranas ng nausea o pagduduwal ang isang babae. Ganoon rin kaya nagiging mapili siya sa mga pagkaing gusto niyang kainin.
Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa pangunang sintomas ng pagbubuntis na maaring makumpirma ng isang babae sa pamamagitan ng pagtetake ng pregnancy test.
Isang mahalagang paalala, ano pa man ang maging resulta ng pregnancy test na isinagawa sa inyong bahay negatibo man o positibo ay mabuting magpunta na agad sa doktor. Lalo na kung ikaw ay nakakaramdam ng mga nabanggit na sintomas na maaring dulot rin ng iba
Komentar