Ang sining ay ekspresyon o paggamit ng malikhaing kakayahan ng imahinasyon ng tao. Naipamalas ito sa pamamagitan ng biswal na imahe tulad ng pagguhit, pag-ukit, O anumang likhang nagpapakita ng kari
Ang sining ay lagi’t lagi nang nasa ating kapaligiran. May mga iilang indibidwal na hindi nakikita ang halaga o/at walang hilig sa sining ngunit hindi maipagkakailang bahagi na ng ating buhay ang iba’t ibang anyo ng sining. Ang isang tagapamahala ng isang malaking kompanya ay pinipili niya ang damit na umaangkop sa kanyang pants at sapatos, ang isang politico ay namimili ng mga musika na kanyang pinapatugtog habang nakasakay sa kanyang mamahaling sasakyan, ang isang mag-aaral ay manghang-mangha sa mga disenyo ng medyibal na simbahan sa kanilang lakbay-aral, at ang isang tindera ay humihiyaw habang nanunood ng cheerdance competition sa isang programa sa noontime show – lahat ay nagpapakita ng manipestasyon sa pagpapahalaga sa sining.
Pagbuo Ng Kakaibang Pananaw Sa Sining title= style=width:100%;text-align:center; onerror=this.onerror=null;this.src='https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcQjz6ZJ80ZlcHnhNBuDm6QOMyCa5pebJDiY55CgChPxYHp8xJpioValyjoHNhUBwgPT3SE&usqp=CAU'; />
Ang salitang art o sining ay mula sa Latin na ars na nangangahulugang “craft o artistikong gawain o isang ispesyalisadong kasanayan, gaya ng pagkakarpintero” (Collingwood, 1938).
Compilation In Fm1
Ang sining ay ekspresyon o paggamit ng malikhaing kakayahan ng imahinasyon ng tao. Naipamalas ito sa pamamagitan ng biswal na imahe tulad ng pagguhit, pag-ukit, O anumang likhang nagpapakita ng kariktan at kagandahan.
Ang sining ay iba’t ibang uri ng paglikha ng biswal, nadidinig, pagtatanghalna ipinakita ang kahusayan ng isang manlilikha sa kanyang imahinasyon, malikhaing pag-iisip, o teknikal na husay na nagnanais mapahalagahan ang kagandahan at kakayahan na magpaantig na damdamin.
Ang sining ay tumutukoy sa mga malikahing gawa ng mga tao gamit ang kanilang malikhaing isip. Ito ang nagiging instrumento ng isang tao upang maipahayag ang kanyang saloobin, damdamdamin at opinyon gamit ang kanyang puso at isip.
Catalog 2018 (1.11.2019) By Up Press
Ang sining ay isang paraan kung saan naihahayag ng tao ang kanyang damdamin at kaisipan. Nagiging daan ito ng mga tao para ipaabot ang nais nilang mensahe.
Sa madaling sabi, ang sining ay isang kakayahan, kapasidad o abilidad na lumikha ng isang inaasahang resulta mula sa pagpaplano nang may mahusay at maayos na metodo o proseso. Kapag ang isang tao ay nais bumuo, lumikha at magpatayo ng isang bahay, siya ay matikulusong nagpaplano nang matamo at makamit niya ang kawangis na bahay at isinasagawa niya ang mga hakbang o proseso nang mabuo ang estruktura ng bahay na ninanais. Siya ay nauugnay ngayon sa sining.
Ang ars sa Midyebal Latin ay naiiba ang kahulugan nito. Sa panahong ito, ang ars ay “anumang natatanging anyo ng pagkakatuto mula sa aklat gaya ng gramatika o lohika, mahika o astrolohiya” (Collingwood, 1938). Nagkaroon lamang ng kahulugan ang sining mula sa lumang anyo ng artistikong gawain sa panahon ng Renasimyento. Sa ika-17 siglo ay lumitaw ang suliranin at ideya sa estetiks. Ang estetiks ay ang makaagham na pag-aaral sa kagandahan. Dahil dito, ay sumibol ang orihinal na pananaw sa sining na isang teknikal na artistikong gawain. Ika-18 siglo lamang natukoy at umusbong ay pagkakaiba ng fine arts at useful arts.
Module 6 Senior High.docx
Ang fine arts ay hindi maselan o highly skilled art o isang sining na nangangailangan ng isang mataas na kasanayan sa isang obra ngunit isang beautiful arts o magandang sining (Collingwood, 1938).
Hindi lamang estetik na aspeto ang fanksyon ng sining. Hindi lamang nito ginigising ang kariktan at pagkamalikhaing kakayahan ng isang tao. Marami ang kahalagan, gampanin o tungkulin ang sining.
Sa sining naturuan tayong makinig, magmasid, at tumugon sa anumang pangangailangan ng tao. Nalilinang ang pagpapahalaga sa kaibahan ng katangian ng tao. Nakatutulong ang sining sa tao upang maipakita, maibahagi, mahubog at mapaunlad ang kanilang natatanging kakayahan at talento sa pamamagitan ng pagsayaw, pagkanta, pagpipinta, at marami pang iba. Ang sining ay nakapagbibigay sa tao ng kalayaang maipahayag ang kanyang sarili sa kanyang sariling paraan. Ang sining ay nakatutulong upang maging maayos at mapaganda ang pamumuhay ng tao gayundin sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.
Pdf) Interdisiplinaryong Journal Sa Edukasyong Pangkultura
1. Linya – Nagpapakita ng palatandaan ng direksyon, oryentasyon o emosyon ng isang likha. Ito ang pinakasimple, pinakanuno at pinakauniversal na paglikha ng sining biswal. Isa din itong omnipresenteng elemento na napakadinamiko ang pwersa sapagkat ito ang humahatak sa paningin kapag minamasdan ang obrang sining.
Dalawang klase ng Linya: Tuwid – Patayo, Pahalang, Pahilis o Pahilig Kurbado - Solo, Doble, Kumbinado, Mabilis, Mabagal, Mahina, Malakas Ang mga repetisyon o multiplisidad ng mga kurbadong linya ay nagpapatindi sa kilos, sigla at lakes. Nagbibigay ito ng emosyonal na intensidad, masimbuyong personalidad at dinamikong karakter.
2. Valyu – ito ang digri ng kaliwanagan at kadiliman ng isang pinta o grafik. Tinatawag na medyo malapit o malapit-lapit ang valyu kapag hindi lumalapat sa punto ng iskala ang mga valyu.
Ang Panitikan Sa Mga Tanong Na Ano, Bakit At Paano: Isang Gabay Para Sa Baguhan
3. Liwanag at Dilim - Epekto ng liwanag at dilim ang tinutukoy nito sa sining biswal. Ito ay kung paano humuhunab ang liwanag sa iba’t –ibang ibabaw na bahagi ng obra kapag nasisinagan.
4. Kulay – Isang penomenon na liwanag o persepsyong biswal na nagbibigay tulong sa paningin para mapag-iba ang magkaparehong bagay. Tatlong Katangian o Katawagan ng Kulay:
Hyu (hue) - Pinakabatayang pangalan ng kulay gaya ng pula, berde at bughaw. Saturasyon (saturation) - Lakas o intensidad ito ng kulay na maaaring malamlam o matingkad. Katinkaran (brightness) - Kapag ang kulay ay nahaluan ng puti, nawawala ito; nakalilikha ng panibagong kulay na tinaguriang tone.
Fil101 Lecture Notes
5. Tekstura – Ito ang elementong pangunahing umaapila sa pandama o panghipo sapagkat kalidad o katangian ito ng ibabaw ng anumang bagay. Maaaring makinis o magaspang, madulas o mabako, manipis o makapal, o mapino o mahibo.
6. Volyum – Volyum o solido. Ito ang kabuuan ng espasyong inuukupa ng katawan. May haba, kapal, lawak na katangian ang bagay.
Gawing mong inspirasyon ang iyong ama sa lahat ng iyong iguguhit para mas makita mo ang kagandahan na likha ng diyos. Matalino ka anak.
Filipino Sa Humanidades, Agham Panlipunan
Ang SINING ay naglalaman ng unibersal na kaisipan. Bagaman, ang tao ay may karapatang pumili sa masama at mabuti, sa tama at mali at sa moral at immoral na mga gawain dahil sa kanyang kalayaan, ito rin ang nagiging dahilan ng pagsilang ng mga sakit tulad ng mga nakakahawang sakit, korapsyon, paggamit ng ipinagbabawal na gamot, kawalan ng hustisya at napakarami pang iba. Ayon sa pananaw ng kontemporaryong pag-iisip ng relihiyon, etikang panrelihiyon, na likas at namana ng mga tao ay mabisang paraan upang mabawasan ang mga ganitong sakit ng lipunan. Samakatuwid, malaki ang ginagampanan ng relihiyon sa paghubog sa moral na aspeto ng tao sa araw-araw niyang katauhan. At walang relihiyon ang nagtuturo ng masama tulad ng mga kaisipang unibersal na, ang pagmamahal sa magulang ay dakila, ang buhay ay kailangan pahalagahan, ang paggawa ng masama ay magbubunga ng masama.
Ang SINING ay naayon sa kanyang kalikasan. Isa sa mga bagay na nakakaawa o nakalulungkot sa isang tao, kahit na may naabot na mataas na pinag-aralan, o may maipagmamamalaki ring karunungan, ay ang kawalan niya ng kakayahang mapag-iba ang kahulugan ng mabuting sining o good art sa masamang sining o bad art. Kapag ginamit ang isang likha upang makasakit ng ibang tao, magdulot ng mga bagay na magtutulak sa kanya na maging masama at mabuhay nang hindi naayon sa kanyang pagiging tao, ang kanyang likha ay hindi maituturing na sining.
Ang SINING ay nagpapakilos at nakapagpapabago. Tulad ni Plato, naniniwala si Leo Tolstoy (1828-1910) na may layuning panrelihiyon at panlipunan ang sining, kaya’t dapat ipagbawal ang anumang uri ng sining na di makapag-aambag sa mga dakilang layuning ito. At tulad rin ng pilosopiyang Griyego, pinanindigan ng Rusong nobelista, kritiko at dramatista, ang kapangyarihan ng sining na hubugin ang moral na pagpapahalaga ng tao.
Imahinatibo Pagpapahayag Ng Imahinasyon Sa Malikhaing Paraan Gawain 1 Pangalan
Ang SINING ay nagmula sa kapangyarihan ng Diyos na lumikha. Ang tao ay may kakayahang lumikha ng isang SINING ay pinagkalooban lamang ng kakayahan ng MANLILIKHA, ang Diyos kaya marapat na ibalik ang papuri at naaayon sa kanya.
Ang SINING ay walang kamatayan. Kung nagmula ang sining sa Kanya, immortal ang sining. Hindi basta-basta ito nabubuhay lamang sa isang henerasyon. Kaya nitong mabuhay sa mahabang panahon. Hindi ito temporal na makikilala lamang sa isang tiyak na panahon. Ang tunay na likhang sining ay kayang makipag-ugnayan sa lahat ng henerasyon konsepto ng sining ay hindi mailalarawan lamang sa isang salita. Kailangan pag-ugnayin ang mga katangian ng sining. Magmumula ang konsepto ng sining sa mismong lumikha nito.
Komentar