Palasak na kasabihan na maririnig natin hindi lang sa ating mga magulang kundi sa miyembro ng komunidad na ating kinabibilangan. Simpleng pananalitang may malalim na pinagmulan. Ano nga ba ang kahulugan nito at nais ipangaral sa kasalukuyan? Ito ba ay may kinalaman sa pag-aaral ng kasaysayan?
Ayon sa mga mananalaysay, ang kasaysayan ay isang pagtatala o ulat ng mga nakaraang pangyayari o kaganapan na maayos na pagkakasunodsunod na paglalarawan at pagbibigay kahulugan sa mga pangyayaring nagdaan. (Cawaling, 2015)
Ito ay naglalayong magbigay ng malawakang pang-unawa ng kaisipan sa mga kabataan upang mamulat sila sa lumipas na katotohanan na nag-uugnay sa makabagong kabihasnan.
Apple Upang Bumili Ng Israeli Start Up Anobit Company
Nakalulungkot lamang isipin na marami sa mga mag-aaral sa kasalukuyan ay mababa ang pagtingin sa asignaturang Araling Panlipunan. Ito ay lumabas sa mga pagsusuri at pag-aaral na isinagawa upang malaman ang pagtingin ng mga mag-aaral sa pag-aaral ng kasaysayan. Ayon nga sa pananaliksik na isinagawa nina Harris 2006, et., al.
Nakakabagot, petsa, lugar, eksaktong pangyayari, memorisasyon, pangalan ng mga tao, kaganapan. Iyan ay ilan lamang sa mga salitang naiuugnay ng mga mag-aaral kapag narinig na nila ang salitang kasaysayan. Totoo. Totoong ang pag-aaral ng kasaysayan ay may kinalaman sa pagbabaliktanaw sa mga eksaktong pangyayari at ang daloy nito. Hindi rin mawawala ang mga petsa at lugar kung kalian at kung saan ito nangyari. Ito ay bahagi at mahalaga upang maunawaan ang mga pangyayari at kaganapan depende sa kung saan at kailangan ito naganap. Hindi naman kinakailangang memorya natin ang eksaktong petsa ng isang pangyayari sa nakalipas, ang mahalaga lamang ay nalalaman natin kung ano ang naganap noon, at ang kinalaman nito sa ating pamumuhay ngayon.
Naitatanong mo ba sa sarili mo kung anong lahi ang pinagmulan mo? Kung bakit ganyan ang kulay ng balat mo? Kung bakit ka pango o kung bakit ang tangos ng korte ng ilong mo kumpara sa iba? Kung bakit kulot ang tubo ng buhok mo at kailangan mo pang magtungo sa
Grade 10 Filipino Las
Kung hindi pa nasasagot ang mga katanungang iyan sa sarili mo, sasagutin yan ng kasaysayan para sa iyo. Lahat ng bagay ay may pinagmulan, maging ang ating kalawakan, sistemang solar at daigdig ay may kaniya kaniyang pinangalingan. Tulad mo ring may pinagmulan ang iyong itsurang pisikal na may kinalaman sa naganap na kasaysayan bago ka pa isilang.
Mahalaga ang kasaysayan, ito ang magiging susi mo upang maunanawaan ang mga bagay na nangyayari sa kasalukuyan na makapagdadala sayo sa tamang pamumuhay.
Ikaw? Handa ka na bang tuklasin ang iyong pinagmulan? Nais mo nabang lingunin ang iyong pinanggilangan upang makarating ka sa tunay mong paroroonan?
Komentar