Likas na Yaman ng Pilipinas Pagtuklas sa mga Yamang Kalikasan

Napakadaming magagandang lugar sa Pilipinas ngunit tayo mismong mga Pilipino ay hindi alam ang tungkol sa mga ito. Karamihan sa atin ay nakapunta na sa ibang bansa pero hindi man lang nakapag libot sa 5 o 10 lugar  sa buong bansa. Hindi din alam ng karamihan na ilan sa mga ito ay kasama sa listahan ng mga pandaigdig o internasyonal na listahan ng mga magaganda at inaalagan na destino. Tara at tuklasan natin ang isa sa mga pinagmamalaking destinasyon ng Pilipinas, ang Puerto Princesa, Palawan.

Ang Puerto Princesa ay ang pangulong bayan ng Palawan. Ito ay tinanyagan bilang “the city in a forest” dahil karamihan ng kanilang destinatsyon ay may ugnay sa kalikasan. Natawag din silang “Philippines’ cleanest and greenest city” dahil sa linis ng lugar at may striktong kautusan tungkol sa pagtatapon ng basura kung saan saan.

Likas

 Noong Nobyembre nagkaroon kami ng paglalakbay  patungo sa Puerto Princesa, Palawan para sa aming Domestic Tour. Tumagal ang aming munting bakasyon ng 3 araw simula Nobyembre 10-13, 2015. Dumating kami ng maaga sa airport upang makasakay kami sa aming eroplano sa tamang oras. Hindi kami nagkaproblema at nakaalis ang eroplano sa tamang oras. para sa akin ang pinakamagandang oras ng pagbyahe sa eroplano ay mga bandang 4 – 6 upang habang lumilipad pa ay masasaksihan ang pag-akyat ng araw. Pagdating namin sa Puerto Princesa Airport makikita mo ang saya at galak ng mga estudyante.

China, Idinepensa Ang Tripartite Deal Na Idineklara Ng Sc Ng Ph Na Unconstitutional

Simula sa airport sumakay kami ng bus papunta sa piyer kung saan sasakay kami ng bangka papunta sa aming unang destinasyon. Ang una naming pinuntahan ay ang napaka sikat na Puerto Princesa Underground River. Ito ang pinakapinagmamalaking destinasyon ng Puerto Princesa. Kabilang ito sa listahan ng UNESCO World Heritage site at 7 Wonders of Nature. Pagbaba sa bangka naglakad kami patungo sa Underground River at sumakay ng mas maliit na bangka. Dahil madilim sa loob ng kuweba may kasama kaming flashlight sa loob. Pinakita ng ng bangkero ang iba’t ibang hugis ng bato na nabuo simula noon. May mga hugis na gulay, tao at pati na din ang banal na pamilya. Binalaan din kami na wag bubuksan ang aming mga bibig na matagal dahil madaming paniki ang nakatira doon at baka mainom nmin ang kanilang ihi.

Pagkatapos sa Underground River punta kami sa resort na aming tutuluyan upang kumain ng tanghalian at pagtapos ay nagpunta kami sa Sheridan Organic Farm upang magtanim ng maliit na puno. Ginagawa iyon upang mapanatili ang ganda ng Puerto Princesa.

Pagdating ng hapunan nagkaroon ng malaking pasalosalo ang lahat ng estudyante sa tabi ng dagat. Nagkaroon ng maliit na pageant at may sumayaw na may gamit na apoy.

Likas

Mga Likas Na Yaman Ng Pilipinas

Sa pangalawang araw ay pumunta kami sa Isla Pandan kung saan may mga aktibidad na ginagawa sa tubig katulad ng pag langoy at iba pa. Sinubukan namin mag-snorkling kung saan nakakita kami ng maraming isda na umaaligid sa amin. Maaring din sumakay sa banana boat ngunit hindi ito pinapayagan kapag malakas ang alon. May mga tao din doon na maaring kumuha ng litrato na may camera tricks  sa buko at iba pang bagay na kinagalakan naman ng mga estudyante.

Sa huling araw, naglakbay kami sa Puerto Princesa. Pumunta kami sa Palawan Heritage Center kung saan makikita ang kasaysayan ng Palawan at mga magagandang larawan. Susunod ay pumunta kami sa Plaza Cuartel kung saan sinunog ng mga sundalong Hapon ang humigit kumulang 150 Amerikanong bihag ng digmaan noong Disyembre 14, 1944. Katabi ng Plaza Cuartel ay ang Immaculate Concepcion Cathedral na aming binista din. bago pumasok ay nagdasal kami ng aming nais o adhika dahil unang beses naming makakapasok sa simbang iyon.

Ang

Sunod naming pinuntahan ay ang Baker’s Hill na maraming napakagandang gusali at imahe ng mga tauhan sa mga palabas gaya nila Shrek, Snow White at iba pa. maraming lugar ang pwede mong kunan ng larawan at maari din makabili ng mga pagkain. Pumunta din kami sa Palawan Wildlife Rescue and Conservation Center kung saan makakaita ka ng mga maliliit at malalaking buwaya. Makikita din doon ang buto ng napakalaking buwaya. Bago matapos ang paglilibot bibigyan ang mga estudyante ng pagkakataon upang magkaroon ng litrato habang hawak ang isang maliit na buwaya. Dumaan kami sa mga souvenir shops upang bumili ng mga pasalubong at pagkatapos ay nagmadali kaming pumunta sa airport.

Gwt Wordpress 25.3.3 Top Wordpress Theme By Igovphil

Kahit na 3 araw lang kaming nanatili sa probinsyang ito, marami akong bagay na nakita at natutunan na kailanman ay hindi ko pa nasubukan. Ang paglalakbay na ito ay mas bumuhay ng aking pagiging Pilipino. Ang ganda ng Puerto Princesa ay hinding hindi ko malilimutan.

Mga

Kahit na 3 araw lang kaming nanatili sa probinsyang ito, marami akong bagay na nakita at natutunan na kailanman ay hindi ko pa nasubukan. Ang paglalakbay na ito ay mas bumuhay ng aking pagiging Pilipino. Ang ganda ng Puerto Princesa ay hinding hindi ko malilimutan.

Mga