Ang Timog-silangang Asya ay isang subrehiyon ng kontinenteng Asya, na binubuo ng mga bansang heograpikal nasa timog ng Tsina, silangan ng Indiya, kanluran ng Bagong Guinea at hilaga ng Australya. Ang klima sa rehiyong ito ay karaniwang tropikal, mainit at mahalumigmig sa loob ng isang buong taon.
Ang Timog Silangang Asya ay binubuo ng dalawang rehiyong heograpikal: Ang kalupaang Asyano, at ang mga arkong pulo at mga kapuluan sa silangan at timog silangan. Ang mga bansang nasa kalupaang Asyano ay kinabibilangan ng Cambodia, Laos, Myanmar, Thailand, at ang Vietnam; ang populasyon ay pangunahing binubuo ng mga Tibeto-Burmano, mga Thai, at mga Austroasiatiko; ang pinakamalaking relihiyon ay Budismo, na sinundan ng Islam, at Kristiyanismo. Ang mga bansang nasa karagatan ay binubuo ng Brunei, Silangang Timor, Indonesia, Malaysia, Pilipinas, at ang Singapore. Ang ibang paglalarawan sa rehiyon ay sinasama ang Taiwan sa hilaga. Ang mga Austronesiano ang dominante sa rehiyon; ang pangunahing relihiyon ay Islam, na sinundan ng Kristiyanismo.
Paglalakbay Sa Magandang Destinasyon title=Timog Silangang Asya style=width:100%;text-align:center; onerror=this.onerror=null;this.src='https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcRQsaVAOfiL1pYRQs0gvSeLg1lD3cieeH34LQ2ZVRMf8WPMo3F8GH3zy4x7-2HFV2_QgVM&usqp=CAU'; />
Ang lahat ng nasa itaass ay kasapi ng ASEAN, maliban na lamang sa Silangang Timor (na kilala rin bilang Timor Leste), na isang kandidatong estado para sa ASEAN. Ang bahagi, na kasama ang ilang bahagi ng Timog Asya, ay kilala bilang Silangang Indies o sa payak na Indies hanggang noong ika-20 dantaon. Ang Pulo ng Christmas at ang mga pulo ng Cocos (Keeling) ay kasama bilang bahagi ng Timog Silangang Asya pati na ng Silangang Asya ngunit sila ay pinamamahalaan ng Australya. Ang Taiwan kinokonsidera na bahagi ng TImog Silangang Asya pati na ng Silangang Asya subalit hindi ito kasapi ng ASEAN. Ang mga usaping pangsoberenya ay buhay sa mga pulo sa Dagat Timog Tsina. Ang Papua ay pampolitika na bahagi ng Timog Silangang Asya sa pamamagitan ng Indonesia, ngunit heograpikal itong kinokonsidera bilang bahagi ng Oceania.
Ekspedisyon Ni Magellan
Ang Timog Silangang Asya ay heograpikal na nahahati sa dalawang rehiyon, na tinatawag na Kalupaang Timog Silangang Asya (o ang Indotsina) at ang Karagatang Timog Silangang Asya (o ang Kapuluang Malay) (o sa wikang Indones ay Nusantara).
Ang mga pulo ng Andaman at Nicobar ng India ay heograpikal na kinokonsidera bilang bahagi ng Timog Silangang Asya. Ang Hilagang Silangang India ay kultural na Timog Silangang Asya at minsang kinokonsidera bilang Timog Asyano at Timog Silangang Asyano. Ang Pulo ng Hainan at ang ilang mga rehiyong Tsino gaya ng Yunnan, Guizhou at Guangxi ay kinokonsidera bilang Silangang Asya at Timog Silangang Asya. Ang Taiwan, na tapat sa Tropiko ng Kanser ay nasa hangganan ng Dagat Timog Tsina, kaya kadalasang sinasama sa Timog silangang Asya at pati rin sa Silangang Asya.
Si Solheim at ang iba pa ay nagpapakita ng katibayan ng isang sanga sangang kalakalan Nusantao (Nusantara) sa karagatan na mula Vietnam hanggang sa kabuuan ng mga kapuluan o arkipelago noon pang 5000 BCE hanggang 1 CE.
Ang Ikalawang Paglisan O Paglalakbay Ni Dr. Jose Rizal
Ang mga tao ng Timog Silangang Asya, lalo na ang mga mula sa lahing Austronesyano, ay ilang libong taon nang mga mandaragat, at ang ilan pa ay naaabot ang pulo ng Madagascar. Ang kanilang mga sasakyan, gaya ng vinta, ay nakapakalahaga sa karagatan. Ang paglalakbay ni Fernando Magallanes ay nagtala kung gaano mas mahusay ang mga sasakyan ng mga ito, kung ihahambing sa mga sasakyang pandagat ng mga Europeo.
Ang pagdaan sa Karagatang Indiyano ang nakatulong sa pagkolonisa ng Madagascar ng mga taong Austronesyano, at kasabayan din nang pag-unlad ng kalakalan sa pagitang ng Kanlurang Asya at Timog Silangang Asya. Ang ginto mula Sumatra ay sinasabing umabot hanggang sa Roma.
Orihinal na mga animista ang mga tao. Ito ay lumaong napalitan ng Brahmanikong Hinduismo. Ito naman ay sinundan ng Theravada Budismo, noong 525. Noong 1400, pumasok sa rehiyon ang impluwensiyang Islamiko. Ito ang tumulak sa mga Hindu ng Indonesia na umatras sa Bali.
Mga Dahilan Na Nagbunsod Sa Mga Kanluranin Na Magtungo Sa Asya
Sa Kalupaang Timog Silangang Asya, napanatili ng Myanmar, Cambodia, at Thailand ang paniniwalang Theravada ng Budismo, na dinala doon buhat sa Sri Lanka. Ang uri ng Budismong ito ay humalo sa impluwensiyang Hindu ng kulturang Khmer.
Kakaunti lamang ang nalalaman sa mga paniniwalang panrelihiyon sa Timog Silangang Asya bago dumating ang mga mangangalakal na mga Indiyano at mga impluwensiyang relihiyosa mula noong ikalawang dantaon BCE. Bago mag-13 dantaon, ang Budismo at Hinduismo ay ang pangunahing relihiyon sa Timog Silangang Asya.
Ang Kahariang Hindu ng Jawa Dwipa sa Java at Sumatra ay nabuo noong tinatayang 200 BCE. Ang kasaysayan ng daigdig ng taong Malay ay nagsimula sa pagdating ng mga impluwensiyang Indiyano, na tinatayang naganap noong ika-3 dantaon BC ang nakalipas. Ang mga mangangalakal na Indiyano ay dumating sa arkipelago dahil sa parehong yamang gubat at yaman ng karagatan nito at upang makipagkalakalan sa mga mangangalakal mula sa Tsina, na mas maaagang natuklasan ang daigdig ng mga Malay. Ang parehong Budismo at Hinduismo ay maayos na naitatag sa Tangway ng Malay noong simula ng ika-1 dantaon CE, at mula roon ay lumaganap sa buong kapuluan.
Grade 7 Ap Qa 4th Final
Ang Cambodia ay ang unang naimpluwensiyahan ng Hinduismo noong unang bahagi ng kaharian ng Funan. Ang Hinduismo ay isa sa mga opisyal na relihiyon ng Emperyo ng Khmer. Ang Cambodia ay ang tahanan ng isa sa dalawang templong alay sa Brahma sa daigdig. Ang Angkor Wat ay tanyag ding templong Hindu sa Cambodia.
Ang Emperyong Majapahit ay isang Indiyanong Kaharian na matatagupuan sa silangang Java mula noong 1693 hanggang 1500. Ang pinakadakilang pinuno nito ay si Hayam Wuruk, na namuno mula 1350 hanggang 1389 na nagmarka ng karurukan ng emperyo nang sakupin nito ang iba pang mga kaharian sa katimugan ng Tangway ng Malay, Borneo, Sumatra, Bali at ang Pilipinas. Ang kabuuan din ng Pilipinas ay nagbibigay din ng pagkilala sa sa emperyo
Ang mga Cholas ay nagpamalas sa mga aktibidad sa karagatan, sa parehong aspeto ng sandatahan at pangangalakal. Ang kanilang pagsalakay sa Kedah at sa Srivijaya, at ang kanilang patuloy na ugnayang pangkalakalan (commercial) sa Emperyong Tsino, ay ang nagbigay daan sa kanila upang maimpluwensiyahan ang katutubong kultura. Karamihan sa mga natitirang halimbawa ng mga impluwensiyang kultural na Hindu na makikita ngayon sa kalakhang Timog Silangang Asya ay dulot ng mga paglalakbay ng mga Chola.
Mga Dahilan At Paraan Ng Pananakop Ng Mga Kanluranin Sa Silangan At Timog Silangang Asya
Ang mga mangangalakal na Tsino ay matagal nang nakikipagkalakalan sa rehiyon ayon na rin sa katibayan ng tala ng paglalakbay ni Magallanes na ang Brunei ay mas marami pang pagmamay-aring kanyon kung ihahambing sa mga sasakyang pandagat ng mga Europeo kaya't lumalabas na pinalakas sila ng mga Tsino.
Isang alamat na Malayo ang nagsasabi na isang Tsinong emperador na Ming ang nagpadala ng prinsesa, si Han Li Po sa Malacca, na may kasamang 500 mga abay, upang pakasalan si Sultan Mansur Shah pagkatapos mamangha sa katalinuhan ng Sultan. Ang balon ni Han Li po (tinayo noong 1459) ay ngayon isa nang atraksiyong panturista, pati ang Bukit Cina, kung saan ang kanyang mga abay ay nanirahan.
Ang istratehiyang kahalagahan ng Kipot ng Malacca, na kontrolado ng Sultanato ng Malacca noong ika-15 dantaon at noong unang bahagi ng ika-16 na dantaon.
Timog Silangang Asya
Isang Pie tsart na nagpapakita sa pagkakahati ng populasyon sa mga bansa sa Timog Silangang Asya at sa mga pulo ng Indonesia
Ang Timog Silangang Asya ay may sukat na umaabot sa 4, 000, 000 km² (1.6 milyon milya parisukat). Noong 2004, mahigit sa 593 milyong katao ang nakatira sa rehiyon, Isa sa lima nito (125 milyon) ay nakatira sa pulo ng Java sa Indonesia, ang pinakamataong malaking pulo sa buong mundo.
Ang pagkakahati ng mga relihiyon at tao ay malawak sa Timog Silangang Asya at nag-iiba bawat bansa. Ang ilang 30 milyong mga migranteng Tsino ay nakatira din sa Timog Silangang Asya, na madami sa Pulo ng Christmas, Malaysia, Pilipinas, Singapore, Indonesia at Thailand, at bilang mga Hoa, sa Vietnam.
How Are Governments Ensuring That Voluntary Family Planning Remains An “essential Service” During Covid 19? • Knowledge Success
Ang mga bansa sa Timog Silangang Asya ay naniniwala sa maraming iba't ibang mga relihiyon. Ang mga bansang nasa kalupaang Asya. gaya ng Thailand. Cambodia, Laos, Myanmar. at Vietnam ay pangunahing naniniwala sa Budismo. Ang Singapore ay pangunahin din Budista. Ang mga paniniwalang namana at Confucianismo ay malawak din pinananaligan sa Vietnam at Singapore. Sa Kapuluaang Malay, ang mga taong nakatira sa Malaysia, kanlurang Indonesia at Brunei ay pangunahing naniniwala sa Islam. Ang Kristiyanismo ay ang pangunahing relihiyon sa Pilipinas, silangang Indonesia at Silangang Timor. Ang Pilipinas ang pinakamalaking Katolikong populasyon na sinundan naman ng vietnam sa malayong agwat. Ang Silangang Timor ay isa ring predominanteng Katoliko dahil sa matagal na pananakop dito ng mga Portuges.
Ang subrehiyon ay may 11 mga bansa at ito ay mahahati sa mga bansa sa pangunahing-lupain at mga kapuluan. Kabilang sa mga bansa sa pangunahing-lupain ang:
Ang bansang Malaysia ay may dalawang parte na nahahati ng Dagat ng Timog Tsina. Peninsular Malaysia ay nasa pangunahing-lupain samantalang ang Silangang Malaysia ay nasa Borneo, isa sa pinaka-malaking isla sa rehiyon. Ang bansang Malaysia ay kinikilalang bansang kapuluan.
Aralingpanlipunan: Pangatlong Markahan
Ang Timog-silangang Asya ay may sukat na 1.6 milyon milya kwadrado (4, 000, 000 km²). Noong 2004, higit sa 550 milyong tao ang nakatira sa rehiyon, 110 milyon nito sa isla ng Java ng Indonesia.
Komentar